Army detachment sa BARMM hinagisan ng Granada

COTABATO CITY, Philippines — Isa na namang motorcycle rider ang naghagis ng granada sa isang Army detachment sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Sabado ng gabi, 12 oras lang matapos ang ginawang kaparehong pag-atake ng riding-in-tandem suspects sa isang military truck na ikinasugat ng dalawang sundalo at tatlong sibilyan.
Sa nasabing grenade attack nitong Sabado, walang naiulat na nasugatan sa mga sundalo na nasa detachment ng Charlie Company ng Philippine Army 7th Infantry Battalion sa kahabaan ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Macaguiling, Sultan Kudarat. Gayunman, subalit ang pagsabog ay nagsanhi ng pagsabog sa mga residente sa lugar.
Ayon kay Police Capt. Steffie Salanguit, spokesperson of PRO-BAR, ang motorcycle-riding bomber ay agad tumakas patungong timog ng Sultan Kudarat matapos na maghagis nga granada sa loob ng may bakod na Army detachment. Nakunan ang insidente ng security camera na sinuri na ng mga imbestigador ng Sultan Kudarat Police Station sa pangunguna ng hepe na si Lt. Col. Basher Lindo.
Sinabi kahapon ng mga lokal na opisyal sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ang magkasunod na pag-atake ng mga armadong sakay ng motorsiklo na target ang mga sundalo ay bilang ganti ng mga natitirang kasapi ng nabuwag na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil sa pagkakapaslang ng tropa ng pamahalaan nitong buwan, sa kanilang lider na si Esmael Tingan Abubakar, matapos makaengkuwentro ang joint police at Army operatives sa Sitio Tambak, Barangay Calsada, Sultan Kudarat kamakailan.
- Latest

















