^

Probinsiya

Ninakaw na cellphone nabawi dahil sa tracker device, obrero tiklo

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Ninakaw na cellphone nabawi dahil sa tracker device, obrero tiklo
Kasalukuyang nakakulong ang suspek na kinilala sa alyas “George,” 45-anyos, construction worker, residente ng Hills View Subdivision, Brgy. Timalan, Naic, Cavite.
STRA/ File

CAVITE, Philippines - Arestado ang isang 45-anyos na obrero matapos masundan ang kinaroroonan sa pamamagitan ng tracking device na naka-upload sa cellphone na ninakaw umano nito, kamakalawa sa Brgy Poblacion 2, bayan ng Ternate.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek na kinilala sa alyas “George,” 45-anyos, construction worker, residente ng Hills View Subdivision, Brgy. Timalan, Naic, Cavite.

Base sa ulat ng pulisya, alas-10 ng gabi nang maganap ang pagnanakaw sa mismong bahay ng biktimang si alyas “Jared,” 24-anyos, physical therapist, ng Beverly Hills Subdivision, Brgy. Poblacion 2, Ternate, Cavite.

Sa salaysay nito, tinangay ng suspek ang kanyang mamahaling cellphone kung saan unang na-detect sa pamamagitan ng tracking device sa Maragondon, Cavite. Makalipas ang may 5-oras, na-detect nito na patungo ng Manila ang kaniyang cellphone.

Sa patuloy ng biktima sa pag-detect ng cellphone, natunton naman ito sa Brgy. Bacao, Gen. Trias, ­Cavite dakong alas-4 ng madaling araw kung saan nito pinuntahan. Natunton ng tracker sa isang pampasaherong bus ang may dala ng cellphone ng biktima kung kaya agad na nagtungo sa lugar at kinausap ang driver ng bus.

Bitbit ng biktima ang larawan ng suspek na nakuha nito sa CCTV footage at inisa-isa ang pasahero ng bus.

Sa tulong pa rin ng tracker, natunton nila ang suspek at nang tingnan ang bag na dala nito ay dito nakuha ang cellphone ng biktima.

CCTV

NAIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with