HPG member binaril sa road safety ops, sugatan

COTABATO CITY, Philippines — Sugatan ang isang pulis na kasapi ng Highway Patrol Group sanhi ng pamamaril ng mga motoristang suspek habang nagsasagawa ang biktima at kanyang mga kasama ng road safety at anti-carnapping operation sa gilid ng highway sa Matalam, Cotabato nitong gabi ng Martes.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanang baba at galos sa leeg ang biktima ng pamamaril na si Police Senior Master Sgt. Noel Demate, nakatalaga sa North Cotabato Provincial Highway Patrol Team at residente ng Pigcawayan, Cotabato.
Gabi nitong Martes, nasa gilid ng highway mismo sa Poblacion ng Matalam, isa sa 17 na mga bayan sa probinsya ng Cotabato, si Demate at ang kanyang kapwa mga mga pulis, nagsasagawa ng inspection ng mga sasakyang dumadaan, ng bilang may lumapit sa kanyang dalawang magkaangkas sa isang motorsiklo at agad siyang pinagbabaril ng mga pistol na nagsanhi ng kanyang pagkasugat.
Sa ulat, agad na nakatakas ang mga motoristang bumaril kay Demate habang mabilis na dinala si Demate ng mga kasama sa isang hindi kalayuang ospital upang malapatan ng lunas.
Ayon Col. Ramel Hojilla, Cotabato provincial police director, nagtutulungan ang mga barangay at municipal officials at mga imbestigador ng Matalam police force sa pagkilala sa mga bumaril kay Demate upang masampahan ng kaukulang mga kaso.
- Latest























