^

Probinsiya

2 treasure hunter patay sa toxic gas, 1 pa missing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng dalawang treasure hunter ang kanilang paghuhukay ng pinaniniwalaang nakabaong kayamanan makaraang makalanghap ng nakalalasong gas sa may 100 metrong lalim na hukay sa Dagohoy, Bohol, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Bohol Police, magkakasunod na natagpuan ang mga bangkay ng dalawang treasure hunters na tinukoy lamang sa mga pangalang Raymundo at Mar noong Biyernes ng hapon.

Patuloy naman ang paghahanap sa isa pang nawawalang kasamahan nilang treasure hunter.

Base sa imbestigasyon ng Dagohoy Municipal Police Station (MPS), umaga noong Mayo 7 nang pumasok ang tatlong treasure hunter sa hinuhukay nilang lupa na nasa 100 metro na ang lalim.

Gayunman, nabigo na silang makalabas sa hukay at makauwi sa kanilang mga tahanan kaya ang insidente ay agad namang inireport sa mga awtoridad.

Agad na nagsagawa ng search at rescue operations ang mga awtoridad kung saan unang narekober ang bangkay ni Raymundo sa kanilang hinuhukay at sumunod naman si Mar bandang alas-5 ng hapon.

Sa pahayag ng mga doktor na sumuri sa katawan ng mga biktima, nakalanghap sila ng nakakalasong gas sa kanilang hinuhukay.

Narekober sa lugar ang mga basyo ng butane canisters at generator na gamit ng tatlong treasure hunter sa loob ng malaking butas na kanilang hinuhukay.

MPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with