^

Probinsiya

2 ‘fixer’ sa LTO timbog sa entrapment

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 ‘fixer’ sa LTO timbog sa entrapment
Kinilala ang dalawang nadakip na sina alyas “KC”, 28, at alyas “VJ”, 24, kapwa residente Bambang, Nueva Ecija.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

ARITAO, Nueva Vizcaya , Philippines – Dalawang katao na sangkot umano sa paglabag sa Republic Act 11032, o ang Anti-Red Tape Act ang dinakip ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Banganan ng bayan na ito kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nadakip na sina alyas “KC”, 28, at alyas “VJ”, 24, kapwa residente  Bambang, Nueva Ecija.

Pinangunahan ng mga operatiba ng Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit (NVPIU), kasama ang Aritao Police at RID2 team ang operasyon na ­nag­­r­esulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek.

Napag-alaman na umaakto umanong facilitator ang mga suspek para magproseso ng mga dokumento ng sasakyan, mula sa insurance coverage hanggang sa pagpaparehistro sa Land Transportation Office (LTO), kapalit ang katumbas na halaga ng pera.

Dahil sa natanggap na sumbong ay agad na nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya na nagresulta sa pagkahuli ng mga suspek.

TIMBOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with