^

Probinsiya

Tricycle nag-dive: 2 bata patay, 6 sugatan

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Tricycle nag-dive: 2 bata patay, 6 sugatan
Bumagsak sa sementadong kalsada mula sa may 30-talampakang taas ng main road ang isang tricycle na sinasakyan ng anim katao na ikinasawi ng dalawang bata makaraang mawalan ng preno sa Mataas na kahoy, Batangas kahapon ng umaga.
Arnell Ozaeta

BATANGAS, Philippines — Dalawang bata ang kumpirmadong patay habang anim pa ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyan nilang tricycle sa 30-talampakang lalim na gilid ng kalsada sa bayan ng Mataas na Kahoy, dito sa lalawigan, noong Linggo.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Carl Benedict Potian Brillates, 12, estudyante, residente ng Barangay Sabang, Lipa City, at Briegh Daniel Embrado Potian, 4-taong gulang, ng Barangay Nangkaan, Mataas na Kahoy, Batangas.

Sugatan naman ang anim na sakay ng tricycle kabilang ang 1-taong gulang na sanggol, na mabilis na naisugod sa Metro San Jose Medical Center at San Jose District Hospital para lapatan ng lunas.

Ayon sa report, minamaneho ng 41-anyos na driver ang tricycle habang sakay ang kanyang mga kamag-anak nang maganap ang insidente bandang alas-11:00 ng umaga. 

Binabagtas umano ng sasakyan ang mahabang pababang bahagi ng kalsada nang bigla itong mawalan ng preno pagsapit sa isang malalim na kurbada sa Brgy. Kinaglagan.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa bumangga sa bakal na barindilya at tuluyang nahulog sa gilid ng kalsada na nasa 30-talampakan ang lalim. Bumagsak ito sa sementadong daan sa harap ng mga kabahayan sa ilalim ng mainroad.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with