^

Probinsiya

3 todas, 4 sugatan sa ambush sa Cotabato

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 todas, 4 sugatan sa ambush sa Cotabato
Masusing sinisiyasat ng mga police forensic experts ang lugar kung saan tinam- bangan ang mag-amang Pasandalan habang sakay ng motorsiklo na ikinasawi ng tatay sa Brgy. Rosary Heights 10, Cotabato City nitong Sabado.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines – Tatlong motorista ang patay habang apat pa ang sugatan kabilang ang isang menor-de-edad sa naganap na magkasunod na pananambang sa loob lang pitong oras sa Cotabato City kahapon.

Sa ulat ng Cotabato Police, dead-on-the-spot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na kinilalang sina  Ibrahim Miya at Aldren Karisio Keda, matapos silang tambangan at pagbabarilin ng armadong grupo nitong Sabado ng madaling-araw sa Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.

Ayon sa mga opisyal ng Cotabato City Police Office (CCPO) at mga local executives, habang papunta sa isang lugar sina Miya at Keda kasama ang tatlong babae na sina Johaira Mohammad, Leisith Tan at Clarizze Tubilan, na sakay din ng motorsiklo nang sila atakihin ng mga lalaking armado ng M16 at 9 mm pistols na nakaposisyon sa kanilang daraanan.

Sa report ng mga imbestigador investigators Cotabato City Police Precinct 2 na rumesponde sa lugar, namatay agad sina Miya at Keda matapos silang pagbabarilin habang sugatan sa insidente sina Mohammad, Tan at Tubilan.

Makaraan ang pitong oras, isa pang motorista na si Surraff Kadir Pasandalan, ng Barangay Taviran sa kalapit na bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, ang napaslang sa kaparehong pag-atake sa LR Sebastian area sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.

Sugatan naman sa ambush ang 16-anyos na anak na lalaki ni Pasandalan, ayon kay Lt. Rochelle Evangelista, spokesperson ng CCPO.

Sinabi ni Evangelista na magkaangkas ang mag-amang Pasandalan sa motorsiklo nang sila ay tambangan ng mga armadong lalaki na nakaabang sa nasabing lugar.

CCPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with