PUV drivers sa Bicol, larga sa tigil pasada
P5K fuel subsidy ‘di pa naibigay
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umarangkada kahapon ang dalawang araw na tigil pasada ng grupong Condor-Piston Bicol at ang Tanggol Pasada Network na layong paralisahin ang transportasyon sa Albay at ilang bahagi ng rehiyon.
Ayon kay Ramon Rescovilla, lider ng Condor Piston-Bicol, layunin ng kanilang tigil pasada na ipabatid sa gobyerno ang kanilang galit sa hirap na nararanasan ng kanilang mga miyembro dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila natatanggap ang pangakong 5-libong pisong ayuda at kawalan ng konkretong aksyon upang maibsan ang krisis dahil sa mataas na presyo pa rin ng petrolyo.
Ayon kay Rescovilla, patuloy nilang ipapanawagan sa pamahalaan ang tuluyang pagbuwag ng oil deregulation law at pagtanggal ng value added tax sa langis.
Sinimulan ang tigil sa pamamasada ng mga jeepney drivers sa Albay ng alas-6 ng umaga kahapon hanggang alas-6 ng Gabi ngayong Miyerkules.
Maliban sa tigil pasada ay magkakaroon sila ng mga programa sa iba’t ibang dako sa probinsya.
- Latest
















