Top ‘most wanted’ na may patong sa ulo, arestado sa Cavite
CAVITE , Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang lalaking nasa Rank No. 2 at Regional Most Wanted Person sa isinagawang warrant operation kamakalawa sa Brgy. Magdalo- Putol bayan ng Kawit, dito sa lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas Panong, isang CTG Member.
Sa nakalap na ulat, alas-12:30 ng tanghali na magkasa ng operation ang pinagsanib na puwersa ng San Fernando Municipal Police sa pangunguna ni Police Capt Diaree J Maribuhoc at Regional Intelligence Division 5 (RID5) sa pangunguna ni PLt. Nick Paul Macaalay, Regional Intelligence Unit 4A a, Cavite Provincial Intelligence Unit at Kawit Police laban sa suspek.
Bitbit ng grupo ang anim na warrant of arrest sa kasong 3-counts ng murder, arson, at 2 counts ng multiple attempted murder na inisyu ni Presiding Judge Arturo Clemente Bajar Revil ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 50, San Jacinto, Masbate.
Hawak na ng pulisya ang suspek at nadala na sa San Fernando MPS, Masbate PPO.
- Latest

















