Lalaki niratrat ng 3 na naka-SUV, todas!
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 31-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng tatlong sakay ng isang SUV sa driveway ng isang condominium sa Pasig City, noong Huwebes, Abril 9.
Sa ulat ng Pasig City Police Station na ipinadala sa Cainta Municipal Police Station, kagyat na nasawi ang biktimang si alyas “Mark”, residente ng Barangay Ususan, Taguig City.
Dakong alas-6:10 ng gabi noong Abril 9, nang maganap ang insidente sa entrance driveway ng Arezzo Place Condominium, sa Barangay San Juan, Cainta, Rizal.
Sa imbestigasyon, habang nakatayo ang biktima sa driveway nang may humintong puti na Subaru Forester XT (AAM 8038) sa tapat ng biktima.
Tatlong lalaki ang bumaba mula sa naturang sasakyan at magkakasunod na putok ang umalingawngaw at bumagsak na ang biktima.
Muling sumakay sa SUV ang tatlo na dumaan sa Sandoval Avenue, kumaliwa sa Centennial 1, at pagsapit sa J. Infante St., Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Patuloy pang iniimbestigahan ng Cainta Police ang insidente para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.
- Latest
















