^

Probinsiya

Foreman todas, babae kritikal sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Foreman todas,  babae kritikal sa ambush!
Maguindanao del Norte.
Google Map

 COTABATO CITY , Philippines — Patay ang foreman ng isang construction firm habang malubhang nasugatan ang babaeng kasama matapos silang tambangan at pagbabarilin sa isang residential area sa sentro ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Huwebes.

Sa pahayag ng mga local executives at opis­yales ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office sa mga mamamahayag kahapon, ang 66-anyos na biktima na kinilalang si Martin Navarro, foreman ng isang construction company ay agad nasawi sa pinangyarihan ng insidente dahil sa mga tinamong mga tama ng punglo sa katawan.

Ginagamot naman sa hindi tinukoy na ospital ang babaeng kasama ni Navarro na si Krisyl Franco, 34-anyos nang mahagip din ng bala sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, sakay ang dalawang biktima ng tricycle mula sa interior area ng Datu Odin Sinsuat, nang sila ay atakihin ng armadong grupo na nakaposisyon sa tabi ng kalsada saka sila pinagbabaril.

Ang namatay na si Navarro ay mula sa Talomo, Davao City habang di Franco ay residente ng bayan ng Antipas sa Cotabato province.

Sinabi ng mga lokal na opisyal na si Navarro ay construction foreman ng isang kumpanya na may ginagawang proyekto sa Maguindanao del Norte.

Agad na tumakas ang mga salarin nang makitang napuruhan ang kanilang target.

FOREMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with