^

Probinsiya

18 hikers nasagip sa Benguet grass fire

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

KAYAPA, Nueva Vizcaya , Philippines — Umabot sa 18 na hikers ang nailikas matapos sumiklab ang grass fire o malaking sunog sa kabundukan ng Bakun, Benguet, ayon sa ulat kamakalawa.

Ayon sa report ng Bakun Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), apektado sa sunog ang dalawang pangkat ng mga turista na nasa magkahiwalay na bahagi ng Mt. Kabunian sa bayan ng Bakun.

Lumalabas na ang unang pangkat ay kinabibilangan ng 11 na turista at 2-tour guide na unang nakarating sa pinaka-tuktok ng bundok kasunod ang ikalawang pangkat na binubuo naman ng pitong turista at Isang tourist guide na nasa Station 12 paakyat sa dinarayong bundok.

Agad naman na rumesponde ang pinagsamang puwersa ng Bureau of Fire Protection, PNP, mga opisyal ng barangay, at mga tour guides para sagipin ang mga turista dakong alas- 2:45 ng madaling araw nitong Biyernes.

Matagumpay na nailikas ang pitong hikers na nasa station 12 at dinala sa pinakamalapit na Barangay Hall.

Ang 11 pang turista na nasa tuktok ng bundok ay idinaan na sa ibang parte ng kabundukan hanggang sa marating naman ang bahagi ng Bulisay na nasa nasasakupan ng Kayapa sa Nueva Vizcaya.

Dahil sa sunog, pansamantalang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ang lahat ng hiking at trekking sa bundok upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista.

18 hikers nasagip sa Benguet grass fire

Victor Martin

MDRRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with