^

Probinsiya

‘Ghost project’ sa Albay, nadiskubre

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
‘Ghost project’ sa Albay, nadiskubre
Si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., habang itinuturo ang marker ng farm to market road na inimplementa noon pang 2019 na may habang kalahating kilometro na siya ring lokasyon ng “missing” farm to market road project na dapat ipinagawa ng DPWH noong Hulyo, 2021 na may habang 1- kilometro sa Brgy. Binogsacan, Guinobatan, Albay.
Courtesy: PTV/Radyo Pilipinas

GUINOBATAN, Albay, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang nadiskubre niyang hinihinalang “ghost” farm to market road project sa lalawigang ito matapos na personal niyang pinuntahan at nalamang na “missing” ang proyekto sa Purok-7, Brgy.Binogsacan, Guinobatan na dapat ipinagawa noong 2021.

Kahit ang lokal na pamahalaan ng bayang ito at iba pang opisyal ay hindi nalaman ang pagdating noong Lunes ng hapon lulan ng helicopter si Secretary Laurel kasama ang ilang opisyal ng ahensya upang mag-inspeksyon sa nawawalang proyekto sa naturang barangay. Ang hinahanap na proyekto ay pinondohan ng Department of Agriculture at inimplement ng Department of Public Works and Highways sa lalawigan.

Nadismaya ang kalihim dahil hindi niya natagpuan ang farm to market road na dapat ipinagawa noong Hulyo, 2021 na may habang isang kilometro at may lapad na 5-metro na ayon sa impormasyon ay nagkakahalaga umano ng higit 12-milyong piso.

Sa halip, natagpuan nito sa binanggit na lokasyon ang farm to market road na may habang kalahating kilometro na ipinagawa pa noong 2019 ayon na rin sa nakaukit sa konkretong marker ng proyekto.

Ipinag-utos ng opisyal sa mga tauhan ang mahigpit na imbestigasyon upang hanapin ang ‘missing project’ at magpapadala na rin umano ang kalihim ng show cause order sa mga sangkot sa kwestyonableng proyekto na dapat ay pinakikinabangan na ng mga residente at magsasaka sa lugar. Posibleng maharap ang mga ito sa patong-patong na kaso.

FRANCISCO TIU LAUREL JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with