Ginang ‘di nagpautang, 20 beses sinaksak!

MANILA, Philippines — Dahil lang sa hindi umano nagpahiram ng pera, binurdahan ang 20 saksak ang isang 25 anyos na ginang ng kaniyang pinsan matapos magalit ang huli sa naganap na bayolenteng insidente sa Brgy. Agusan, Cagayan de Oro City nitong Martes.
Sa report ng Cagayan de Oro City Police, ang pitong taong gulang na anak ng lalaki ang biktima na nakatakas sa insidente ang nagturo mismo sa salarin na ang 26-anyos nitong tiyuhin.
Ayon sa imbestigasyon, base sa narinig ng biktima sa pag-uusap ng ina at tiyuhin ay humihiram ng pera ang huli sa ginang pero tumanggi ang biktima na pautangin ito.
Sa matinding galit ay binunot ng suspect ang patalim at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima na siyang kumitil sa buhay nito.
Inihayag ng paslit na halos na-trauma sa insidente ay nagtatakbo siya sa paghingi ng tulong sa kanilang mga kamag-anak habang pinagsasaksak ng huli ang kaniyang ina.
Naaresto ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang suspect na nagtamo ng sugat sa pagpalag sa mga awtoridad at dinala rin sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Ang suspect na bantay sarado sa mga awtoridad ay nahaharap sa kasong murder.
- Latest


















