^

Probinsiya

Ex-mayor ng Iloilo nasukol sa ‘hit-and-run’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-mayor ng Iloilo nasukol sa ‘hit-and-run’
IloIlo Map
Google Map

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang dating alkalde ng Calinog, Iloilo matapos itong masangkot sa hit-and- run na ikinasawi ng 20-anyos na rider sa highway ng New Lucena, Iloilo noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang inaresto na si dating Calinog Mayor  Salvador “Badong “ Divinagracia Jr. na inakusahang nakapatay sa biktimang si Vhane Rodulf “Koy-Koy” Idao, 20, na nagmamaneho ng motorsiklong nakaladkad ng behikulo ng una.

Sa report ni P/Lt Jhoney Laru-an, hepe ng Lucena Municipal Police Station, naganap ang insidente sa kahabaan ng highway ng Brgy. Pasil ng bayang nabanggit maga-alas-10 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, ­minamaneho ni Divinagracia ang kaniyang Ford Raptor pickup truck nang mabundol nito si Idao habang lulan ng kaniyang motorsiklo sa nasabing highway.

Sa halip umanong bumaba sa behikulo at alamin ang kondisyon ng biktima ay humarurot palayo ang driver.

Gayunman, hinabol ng mga alertong traffic enforcer ang behikulo na nasukol sa Ungka flyover sa bayan ng Pavia at laking gulat nila nang madiskubreng si Divinagracia ang lulan ng behikulo na nakasagasa sa  biktima.

Nagtamo si Idao ng matinding pinsala sa katawan bunga ng insidente at idineklarang dead-on-the-spot.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Divinagracia na isinailalim na sa kustodya ng pulisya.

CALINOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with