^

Probinsiya

Sub-leader ng Dawlah Islamiyah todas sa Cotabato encounter

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang dating Amir at tumatayong sub-leader ng lokal na teroristang Dawlah Islamiyah-Hassan Group sa pinaigting na opensiba ng tropa ng militar sa naganap na bakbakan sa Brgy. Tinimbacan, Banisilan, Cotabato kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, kinilala ni Lt. Col. Ronaldo Tarrayo, Chief ng Army’s 6th Infantry Division Public Affairs Office ang nasawi na si Emarudin Kulaw na kilala rin sa alyas na “Alpha King”.

Ayon kay Tarrayo, si Kulaw ay dating Amir at nagsilbi ring sub-leader ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group.

Sinabi ng opisyal, nakasagupa ng tropa ng mga sundalo ang grupo ni Kulaw sa nasabing lugar kaugnay ng isinagawang pinaigting na military operations laban sa lokal na teroristang grupo.

Ang bakbakan ay tumagal ng ilang minuto na ikinasawi ni Kulaw na inabandona ng kaniyang mga tauhan

Sa isinagawang clearing operations, narekober ng mga sundalo ang isang M653 rifle mula sa nasawing lider ng lokal na terorosta.

Ayon kay Tarrayo, si Kulaw ay itinuturing na high-value individual ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa ilang mga bayolenteng aktibidades sa rehiyon. Nahaharap din siya sa iba’t ibang kasong kriminal kabilang ang multiple attempted murder, destructive arson, paglabag sa Anti-Terrorism Act, at double murder, bukod pa sa iba pang kaugnay na krimen.

Inihayag ni Major Gen.Jose Vladimir Cagara, commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, ang operasyon ay patunay ng patuloy na determinasyon ng pamahalaan na wakasan ang banta ng terorismo sa mga komunidad.

AMIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with