^

Probinsiya

15 mangingisda arestado ng PNP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
15 mangingisda arestado ng PNP
Ayon sa ulat kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., noong Sabado, nang arestuhin ang mga mangingisda ng PNP, sa pakikipag-ugnayan sa Bantay Dagat volunteers, kasabay ng pagkumpiska sa mga bangka na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.
STAR / File

P1.5 milyong bangka kinumpiska

MANILA, Philippines — Dinakip ang 15 mangi­ngisda at kinumpiska ang tatlong bangka na gamit nila sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police (PNP) dahil sa mga paglabag sa lokal na ordinansa sa katubigang sakop ng Barangay Sta. Elena, sa Orion, Bataan, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., noong Sabado, nang arestuhin ang mga mangingisda ng PNP, sa pakikipag-ugnayan sa Bantay Dagat volunteers, kasabay ng pagkumpiska sa mga bangka na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Kasamang kinum­piska ang mga nahuling marine products.

Pinalaya rin ang mga suspek matapos maglagak ng multa sa Municipal Treasurer’s Office.

Binigyang-diin ni Nartatez na tungkulin ng PNP na maipatupad ang batas para sa kapakanan ng komunidad at kalikasan, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

BANGKA

BATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with