^

Probinsiya

Paslit lunod sa kanal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang paslit nang maglikot at mahulog sa irrigation canal sa Sitio Lubigan, Barangay Plaza Aldea, Tanay, Rizal, nitong Miyerkules.

Ayon sa Tanay Municipal Police Station, ang biktimang si “Prince”, may edad na 1 taon at 9 na buwan ay nadiskubreng patay alas-8:30 ng gabi ng Pebrero 25 sa irrigation canal sa tabi ng isang fastfood chain, makalipas ang sampung oras na paghahanap.

Sa imbestigasyon, alas-10:40 ng umaga nang iulat ng bantay umano ng biktima ang kuya nito na 12-anyos, subalit sandaling iniwan para magsampay ng mga damit.

Sa pagbalik ng kuya ay hindi na matagpuan ang biktima. Nakita ang bata na natabunan ng putik sa tulong ng isang backhoe operator, na may layong 1.5 kilometro mula sa bahay nito.

Itinakbo pa sa Tanay General Hospital ang biktima na idineklarang dead on arrival.

Nag-waive ang mga magulang ng biktima na isa­lang pa sa awtopsiya ang bangkay.

TANAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with