^

Probinsiya

Service crew pumalag sa holdap, utas sa saksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Bag ng kaibigan tinangkang agawin

MANILA, Philippines — Patay ang isang service crew nang manlaban sa tatlong lalaking holdaper na nagtangkang tumangay sa bag ng kanyang kaibigan sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si alyas ‘Jade,’ 20, ng Commonwealth, Quezon City habang tinutugis na ng mga awtoridad ang tatlong salarin na nakatakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, sa Rodriguez.

Habang naglalakad ang biktima at kaibigan ay nilapitan ng tatlong lalaking suspek at nagkunwaring manghihiram ng flashlight.

Sa paglapit ay agad na inagaw ang bag ng kaibagan ng biktima na inalmahan nila hanggang sa mabawi ang bag. Hindi inakala na may tama ng saksak ang biktima na natuklasan nang makatakbo na ang mga suspek.

RIZAL

RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with