Manggagawa kinilala
Mariveles, Bataan, Philippines — Kinilala ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ang mga manggagawa bilang pangunahing puwersa sa tagumpay ng Freeport, kasabay ng patuloy na pagpapaunlad ng ecozone at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa workforce.
Binigyang-diin din ng ahensya ang pagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa, partikular sa seguridad sa trabaho sa pamamagitan ng regularisasyon. Sa pagtatapos ng 2025, umabot sa 24,259 ang bilang ng mga regular na empleyado sa Freeport, na kumakatawan sa 67.5 porsiyento ng kabuuang lakas-paggawa.
- Latest





















