^

Probinsiya

Road rage: Jeepney driver kinatay ng tandem!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Road rage: Jeepney driver kinatay ng tandem!
Dead-on-the-spot ang biktima kinilala lang sa alyas “Mar”, nasa hustong gulang, driver ng pampasaherong jeepney, nang magtamo ng dalawang malalim na saksak sa katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa away kalsada, patay ang isang jeepney driver mula sa kamay ng riding-in-tandem na nakaalitan nito sa kalsada, kamakalawa ng gabi sa Santa Rosa City, Laguna.

Dead-on-the-spot ang biktima kinilala lang sa alyas “Mar”, nasa hustong gulang, driver ng pampasaherong jeepney, nang magtamo ng dalawang malalim na saksak sa katawan.

Tumakas naman ang mga suspek na kinilala sa mga alyas “Angelo” at alyas “Uwey”.

Sa ulat ng pulisya, alas-7:40 ng gabi habang bumabagtas ang jeep ng biktima sa Purok Dita sa Santa Rosa City at sinusundan nito ang motorsiklo lulan ng magkaangkas na suspek. Huminto umano sa gitna ng kalsada ang motorsiklo na ikinagalit ng biktima.

Bunsod nito, agad bumaba sa kanyang jeep ang nasabing driver upang komprontahin ang mga suspek subalit paglapit nito ay agad siyang inundayan ng mga saksak saka sila mabilis na humarurot patakas.

Duguang bumagsak ang biktima na agad nadala ng mga responders sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

ANGELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with