Lady trader may 4 arrest warrant, arestado sa Cavite
CAVITE, Philippines — Arestado ang isang negosyanteng babae na may apat na warrant of arrest sa isinagawang pagsalakay ng pulisya sa pinagtataguan nito sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite, kamakalawa ng hapon.
Ang naaresto ay kinilala lang sa alyas “Phine”, nasa Rank 2 most wanted person ng Parañaque City at residente ng Villa de Primarosa, Buhay na Tubig, Imus City.
Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director PCol. Ariel Red, nagkasa ng warrant operation ang kaniyang mga tauhan sa Cavite Provincial Intelligence Unit laban sa suspek. Bitbit nila ang 4 na warrant of arrest sa mga kasong Illegal Recruitment by a Syndicated Economic Sabotage na inisyu ni Presiding Judge Noel C. Lawas ng Regional Trial Court 7th Judicial Region Branch 84, Mandaue City, na walang inirekomendang piyansa; Estafa sa ilalim ng Art 315 na may kaugnayan sa Sec 6 RA 10175; Illegal Recruitment na inisyu ni Judge Ricardo Estavillo Anos, ng RTC 8th Judicial Region Branch 22, Laoag, Northern Samar, at Illegal Recruitment under Sec 6 R- 8042 Sec 5 RA 10022 na inisyu ni Presiding Judge Harold Ceaar C Hulinganga ng RTC National Capital Judicial Region Branch 96 sa Parañaque City.
Hindi na nakapalag ang suspek nang silbihan ng mga arrest warrants.
Nasa kustodya na ng pulisya ang nadakip na lady trader.
- Latest


















