^

Probinsiya

Tubero, arestado sa pagbebenta ng baril

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CAMP GENERAL MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City, Philippines — Arestado ang isang tubero matapos mahuli sa aktong iligal na nagbebenta ng baril sa halagang P7,000 sa ikinasang entrapment operation ng pulisya, madaling araw ng Lunes sa Talavera, Nueva Ecija.

Ayon kay Lt. Col. Rogelio L. Pacificar Jr., hepe ng Talavera, Police, nakilala ang suspek na isang 36-anyos na binata, residente ng Barangay La Torre, Talavera, Nueva Ecija.

Batay sa ulat na ipinadala kay Nueva Ecija Police Provincial Director Col. Heryl L. Bruno, nadakip ang suspek matapos ang isinagawang transaksyon nang iabot nito ang isang US-made Smith & Wesson Magnum .357 revolver, kapalit ng P7,000 cash sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Kaagad na inaresto ang tubero sa Barangay Calipahan, Talavera, dakong alas-12:30 ng hatinggabi na nakumpiskahan din ng isang pocket knife.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o mas kilala sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act. 

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with