Nasawi sa Cebu trash slide umakyat na sa 20

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 20 ang nasawi sa gumuhong landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ito ay matapos marekober ang tatlo pang labi ng lalaki mula sa landfill bandang alas-9:00 ng umaga nitong Miyerkules.
Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad ang 20 nawawala, habang 12 indibidwal ang naiulat na nasaktan sa insidente.
Samantala, idineklara na ng Cebu City Council bilang “day of mourning” ang Enero 16, araw ng Biyernes para sa mga biktima ng trahedya, kasunod ito ng mosyon ni Cebu City Councilor Jun Alcover sa resolusyon na nagdedeklara ng ‘state of calamity’ sa lungsod kasunod nang pagguho noong Enero 8 ng Binaliw landfill kung saan nasa 50 manggagawa dito ang natabunan.
- Latest


















