^

Probinsiya

Trike vs dump truck: Guro, mister dedo

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines —  Isang public school teacher at kanyang mister ang kapwa patay nang mabangga ng isang dump truck ang sinaskayang tricycle sa Diversion Road ng Barangay Mabuhay sa General Santos City nitong Miyerkules ng umaga.

Sa magkahiwalay na ulat nitong Biyernes ng GenSan City Police Office at ng Police ­Regional Office-12, ang mga nasawi sa aksidente ay kinilalang sina Jenefer Gubalani, isang guro, at mister na si Junie, tricycle driver, mga residente ng Promise Land sa Barangay Mabuhay,  General Santos City.

Ayon sa mga opisyal ng General Santos City Police Office at Traffic Enforcement Unit ng local government sa naturang lungsod, nagtamo naman ng mga sugat at pasa sa katawan ang kasama ng mag-asawa sa tricycle na kanilang kamag-anak na si Sonny.

Naganap ang banggaan, ng tricycle na sinasakyan ng mga biktima at dump truck, minamaneho ng isang pansamantalang kinilala lang ng police investigators na si John, sa isang palikong bahagi ng Diversion Road sa Barangay Mabuhay sa General Santos City.

Ayon sa mga saksi at mga police investigators na nag-responde sa insidente, lumampas sa kaliwang bahagi ng highway ang tricycle na minamaneho ng kabiyak ng guro na si Gubalani kaya nabangga ng kasalubong na dump truck.

Kusang loob na nagpa-kustodya na agad ang driver ng dump truck sa mga barangay officials at mga pulis na ­nagresponde sa insidente.

GENSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with