^

Probinsiya

Parak sugatan, 6 timbog sa Davao raid

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang pulis ang sugatan at anim na lalaking sangkot sa mga criminal activities ang naaresto at nakuhaan ng apat na hindi lisensyadong baril sa isang police law-enforcement operation sa Brgy. Bunawan, Davao City nitong gabi ng Lunes.

Nakadetine na ang anim na suspek, na tinukoy ng pulisya sa mga alyas na Rey-Rey, Diosdado, Reynante, Marknel, Philip at Jay-Ar, lahat nahaharap na sa kasong illegal possession of firearms at assault on persons of authority.

Unang nakipagbarilan ang mga suspek sa mga operatiba ng Police Regional Office 11 at ng Davao City Police Office na pinamumunuan ni Col. Mannan Muarip, City police director, na magsasagawa lang sana mga mapayapang search operation sa kanilang hideout na iniulat ng kanilang mga kakilala na may mga nakatagong mga baril, mga granada at shabu.

Sugatan sa naturang engkuwentro si Patrolman Geordy Fiel na kasapi ng 13th Special Action Company na nasa ilalim ng operational control ng PRO 11.

Pumayag din na magpaaresto ang anim na suspects kina Muarip at kanyang mga tauhan nang mapunang napapaligiran na ang kanilang hideout.

Isa sa anim na suspek ang naghagis pa umano ng granada sa grupo ni Muarip ngunit hindi sumabog, at maagap na nailigpit ng mga police ordnance experts.

Nasamsam ng trips ni Muarip mula sa anim na suspek ang isang bolt-action .22 caliber rifle, isang gauge 12 shotgun, isang UZI 9 millimeter machine pistol at isang .357 revolver.

ENFORCEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with