High profile drug trafficker huli sa P6.12 milyon shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang isang itinuturing na high profile drug trafficker matapos na masamsaman ng P6.12 milyong halaga ng shabu nitong Sabado, ayon sa pulisya kahapon.
Sa report ng Iloilo Provincial Police Office (PPO), nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Pototan Municipal Police Station (MPS), Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU) at Iloilo Police Provincial Office (PPO) laban sa target sa Brgy. Bongco, Pototan ng lalawigan.
Sa nasabing operasyon, nasakote ang ‘di pinangalanang drug suspect na nakumpiskahan ng mahigit 900 gramo ng shabu na nasa P6.12 milyon ang halaga, mga drug paraphernalia at buy-bust money.
Nasa kustodya na ng Pototan Police ang nadakip na suspect habang patuloy ang pagtugis sa mga kasamahan nito.
- Latest


















