^

Probinsiya

Asong pitbull dinospordos ng sadistang konsehal, todas!

Artemio Dumlao, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Sa kasagsagan ng community event

MANILA, Philippines — Nag-viral sa social media ang kalunos-lunos na sinapit ng isang American Pitbull na pinaghahataw ng matigas na kahoy hanggang sa mapatay ng isang sadistang konsehal sa isang pagtitipon sa bayan ng Sadanga, Mountain Province noong Disyembre 4, ayon sa ulat nitong Sabado.

Sa ulat, umani ng kaliwa’t kanang pagkondena ang konsehal ng bayang ito bunga ng walang awa nitong pagpatay sa asong si Axle na nakunan pa sa CCTV camera kung saan naganap sa kasagsagan ng isang community event.

Sa viral video, makikitang tahimik lamang ang mabait na asong si Axle habang nakatayo lamang ito sa tabi ng mga bata sa nasabing lugar.

Ilang saglit pa ay dumating ang konsehal ng bayan na may dalang matigas na kahoy na pinagpapalo kaagad ang nasabing aso bagaman at wala naman itong inaatake at tahimik lamang sa isang tabi.

Sa nasabing video ay makikitang nanaghoy o umiiyak na ang nasaktang aso na duguang nakalugmok habang pilit namang inaawat ng may-ari nito ang nasabing sadistang konsehal para tigilan ang pananakit sa kaniyang pet. Gayunman, sunud-sunod na hataw ng matigas na kahoy ang ginawa ng hindi pinangalanang malupit na konsehal hanggang sa mapatay nito ang aso.

Bunsod nito, nanawagan ang netizens na panagutin ang naturang konsehal na sa halip umanong mangalaga sa seguridad ay ito pa ang nagpapakita ng pagka-bayolente sa naturang hayop na hindi akma para sa isang halal na opisyal ng kanilang bayan na siya pang lumalabag sa batas.

Samantala, nais din ng mga residente at grupo ng animal welfare advocates na imbestigahan ng pulisya ang insidente at panagutin sa batas ang konsehal.

DOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with