^

Probinsiya

4-libo katao stranded sa Bicol dahil kay ‘Wilma’

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot sa mahigit 4,000 katao ang stranded habang kilo-kilometro naman ang haba ng nakapilang mga sasakyan lalo na sa Maharlika National Highway dahil sa suspension ng paglalayag ng lahat ng barkong patawid ng mga isla sa Kabikolan lalo na ang patungong Visayas at Mindanao regions dahil sa bagyong Wilma, kahapon.

Ayon sa ulat ni Gremil Alexis Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense 5 nasa 4,142 ang pasaherong stranded sa iba’t-ibang pantalan ng rehiyon habang 1,132 ang mga nakapilang rolling cargoes sa mga highways.

Sa naturang bilang ng mga stranded, pinakamarami ay sa Matnog Port sa Matnog, Sorsogon na nasa 3,260 pasahero at 760 rolling cargoes; maliban pa ito sa 290 katao at 123 rolling cargoes sa Pilar, Bulan at Castilla Port lahat sa lalawigan ng Sorsogon; may 369 pasahero, 144 rolling cargoes sa limang pantalan sa Masbate; habang 216 pasahero, 105 sasakyan naman sa Pio Duran Port sa Albay; at 7-pasahero ang stranded naman sa Pasacao Port sa Camarines Sur.

Dahil naman sa malalakas na buhos ng ulan at peligro ng pagbaha, landslides, flashfloods at iba pa ay umabot na sa 3,809 pamilya ang apektado mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon. Ilan sa kanila ay lumikas sa mga ligtas na lugar lalo na sa mga itinalagang evacuation centers ng mga lokal na pamahalaan.

STRANDED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with