^

Probinsiya

3 motorsiklo tinangay sa Rizal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong motorsiklo ang kinarnap sa magkakasunod na araw na indikasyong talamak ang ganitong uri ng krimen sa lalawigan ng Rizal, batay sa ulat kahapon.

Sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station, bago maghatinggabi ng Nobyembre 28, nang ­tangayin ng dalawang lalaki ang isang nakaparadang Euro Keeway 125 cc scooter sa Tinio St., Barangay Guinayang, San Mateo Rizal.

Nagkataong nakamonitor ang mga barangay tanod sa CCTV ng barangay nang makita ang kahina-hinalang mga suspek na itinutulak ang motorsiklo kaya pinuntahan. Nang sitahin, idinahilan ng mga suspek na sina alyas “John”, 23, truck helper at “Laurence”, 51, kapwa ng San Mateo, Rizal na mekaniko sila at ipinare-repair sa kanila ang scooter.

Sa beripikasyon sa may-ari, itinanggi nito na sira ang scooter at hindi ito ipinaayos kaninuman kaya inaresto sila ng mga tanod.

Sa ulat ng Rodriguez MPS, umaga ng Nob. 29,  isang alyas “Garry”, 33,  din ang inaresto ng mga tanod ng Brgy. San Isidro sa reklamo ng kanyang amo na si alyas “Rejie”, 37, may-ari ng vulcanizing shop sa Emmaus compound, Brgy. Burgos,

Ang Honda Beat motorcycle ay hinihinalang ibinenta ng suspek matapos hiramin sa amo. Unang idinahilan nito na may bibilhin lang sa convenience store at bigong maibalik ang sasakyan.

Sa ulat ng Cainta MPS, isang alyas “Aris”, 46, ng Baras, Rizal ang tinutugis ng pulisya matapos ta­ngayin ang isang Yamaha Mio Sporty 40CB, ala-1:15 ng madaling araw  ng Nob. 20 sa tapat ng bahay ng isang “Lalaine”, 57, sa Masipag St., Riverside II Subd., Brgy. Sto. Domingo.

CCTV

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with