^

Probinsiya

5-anyos ginilitan ng 8-anyos pinsan, utas!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
5-anyos ginilitan ng 8-anyos pinsan, utas!
Batay sa insiyal na imbestigasyon ni Police Capt. Rex Baguio sa insidente, ang batang biktima ay nakitang huling kasama ng kanyang pinsan na 8-anyos na manghuhuli umano sila ng maliliit na alimango sa sapa malapit sa kanilang bahay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang 5-taong gulang na lalaki matapos umanong gilitan ng kanyang batang pinsan sa may sapa ng Barangay Capio-an, Argao, Cebu Miyerkules ng gabi.

Batay sa insiyal na imbestigasyon ni Police Capt. Rex Baguio sa insidente, ang batang biktima ay nakitang huling kasama ng kanyang pinsan na 8-anyos na
manghuhuli umano sila ng maliliit na alimango sa sapa malapit sa kanilang bahay.

Tinanong pa umano ng ina ng biktima ang batang pinsan nito kung nasaan ang anak at hindi ito makasagot ng diretso kaya’t hiniling na ng ina sa barangay na magsagawa ng paghahanap sa lugar.

Dito na nakita ang duguang biktima na nakahandusay sa sapa na may gilit ang leeg nito.

Ayon kay Capt. Baguio, mistulang matalim na bagay na parang cutter ang ginamit na ipinanghiwa sa leeg ng biktima.

Doon na naalala ng ina ng biktima na palagiang bitbit ng 8-anyos na batang kaanak ang isang cutter dahilan para paghinalaan na siya ang nasa likod ng krimen.

Tinitingnan ng pulisya ang posibilidad na nagkaroon ng pag-aaway ang magpinsang paslit habang nangunguha ng alimango.

Hawak na ng social welfare office ng naturang bayan ang 8-taong gulang na suspek habang inaalam ng pulisya ang ugat ng krimen.

REX BAGUIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with