^

Probinsiya

Ginagawang dinamita sumabog: 2 todas, 2 sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Ginagawang dinamita sumabog: 2 todas, 2 sugatan
Sulu Map.
STAR / File

COTABATO CITY , Philippines — Agad namatay ang dalawang lalaki nang aksidenteng sumabog ang kanilang ginagawang fishing dynamite sa loob ng isang barung-barong sa Barangay Tulay sa Jolo, Sulu nitong gabi ng Sabado, November 22.

Sa ulat nitong Linggo ng mga local executives at hepe ng Jolo municipal police, si Lt. Col. Annidul Sali, maselang mga sugat sa ulo at katawan ang sanhi ng agarang pagkamatay nila Abdul Tiri Basang, 70-anyos, at kanyang 40-anyos na kasamang si Indal Pascual nang masabugan ng kanilang ina-assemble na dinamitang pangisda.

Sa lakas ng pagsa­bog, nawasak ang barung-barong kung saan gumagawa ang dalawa ng fishing dynamites na sikreto nilang ibinebenta sa mga mangingisda sa Jolo at mga karatig na bayan sa probinsya ng Sulu.

Ayon sa mga local executives sa Jolo at kay Sali, dalawang iba pa na sina Tulli Mislani, 40-anyos, at isang 37-anyos na babae na si Nuraisa Mislani Pascual, ang sugatan sa insidente na agad na isinugod ng mga emergency responders sa isang ospital upang malapatan ng lunas.

Ayon sa mga kamag-anak at kapitbahay, bihasa sa paggawa ng mga fishing dynamites ang nasawing sina Basang at Pascual gamit ang ammonium nitrate bilang blasting charge na kanilang inilalagay sa loob ng mga malalaking bote at nilalagyan ng mitsang sinisindihan ng posporo o lighter.

SALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with