^

Probinsiya

Parking ng mall, binulabog ng malaking sawa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabulabog ang isang mall matapos na isang sawa ang pumasok sa compartment ng makina ng isang nakaparadang behikulo sa parking area ng establisyemento sa Ormoc City, Leyte, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Ormoc City Police, bandang alas-7 ng gabi nitong Huwebes nang magulantang ang mga shoppers ng mall  na nakapara sa paglitaw ng isang malaking sawa na sumiksik sa compartment ng isa sa mga nakaparadang behikulo.

Ayon sa ulat, naispatan ng mga mall staff ang nasabing sawa habang gumagapang sa may halamanan kung saan ay agad ang mga itong humingi ng tulong mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Ormoc City.

Nagdatingan naman ang mga operatiba pero matapos mabulabog ay sumuot ang sawa sa makina ng isang nakaparadang behikulo.

Nagtulong naman ang mga elemento ng BFP at Environemental and Natural Resources Office (ENRO) upang mahuli ang nasabing sawa na matagumpay naman ng mga itong naisagawa.

Sa pagtaya ng awtoridad, ang sawa ay tumitimbang ng 12 kilo na isinailalim na sa pa­ngangalaga ng ENRO.

SNAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with