6 katao dedo sa lahar ng Bulkang Kanlaon

MANILA, Philippines — Anim katao ang naiulat na nasawi sa Canlaon City, Negros Occidental nang tangayin ng volcanic sediment o lahar malapit sa Bulkang Kanlaon.
Napag-alaman na hindi pa nakikita ang iba pang residente na inanod ng tubig-lahar na umabot sa iba pang bahagi ng Negros.
Matatandaang nagbabala ang lokal na PDRRMO kaugnay sa paalala ng Phivolcs sa dulot ng malakas na pag-ulan sa Central Philippines, kabilang ang lalawigan ng Negros, na magpapadaloy ng mainit na mudflow mula sa bulkan na nag-aalburuto simula pa noong buwan ng Hulyo ngayong taon.
Saklaw ng babala ang bahagi ng Tamborung Creek sa Biak-na-Bato, partikular sa Cabacungan, La Castellana, Negros Occidental.
Kasalukuyan nang kumikilos ang lokal na pamahalaan ng naturang probinsya para sa retrieval operation sa mga hindi pa nakikitang indibidwal.
- Latest















