^

Probinsiya

Cease and desist order vs minahan sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

LUNSOD NG MALOLOS, Philippines — Ipinag-utos ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pagpapatupad ng Cease-and-Desist Order at Notice of Violation na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Environmental Management Bureau (EMB) Region 3 laban sa Ore Asia Mining and Development Corporation sa Barangay Camachin, Doña Remedios Trinidad.

Ang kautusan ay nag-ugat sa paglabag ng kumpanya ng pagmimina sa Republic Act (RA) No. 9275, o ang Philippine Clean Water Act of 2004, matapos na ang isang nasirang check dam sa ilalim ng kanilang pamamahala ay umano’y nagdulot ng polusyon sa ilang ilog sa lalawigan.

Ito ay kasunod ng magkakasabay na imbestigasyon na isinagawa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng San Miguel, ng Mines and Geosciences Bureau, at ng EMB, na nagkumpirma na ang mga ilog ng Balaong-Masalipit, San Miguel, at Biak-na-Bato ay pawang nagpakita ng pagkawala ng kulay (discoloration), na umano’y sanhi ng pagkamatay ng mga isda sa lugar. 

Iminumungkahi ng mga ulat na ang pagkawala ng kulay ay nagmula sa operasyon ng mining firm.

“Malinaw na hindi sapat ang isinagawang remedyo ng Ore Asia Mining sa pamamagitan ng paglalagay lamang ng harang sa nasirang check dam upang mapigilan ang paghalo ng basurang tubig sa kailugan. Nagdudulot lang ito ng pinsala at pagkabahala sa ating mga kababayan,” anang gobernador.

Inirekomenda ng BENRO, bukod sa iba pa, na ang Ore Asia ay pagbayarin sa lahat ng gastos na nauugnay sa pagpapatupad ng mga hakbang sa pagwawasto (corrective measures), kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga aktibidad ng paglilinis at pagsusuri sa kalidad ng tubig, hanggang sa ang mga resulta ay ganap na sumunod sa iniresetang pamantayan ng kalidad ng tubig sa ilalim ng RA No. 9275.

CEASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with