^

Probinsiya

Mayor JJV muling nahalal na Pangulo ng LMP-Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nanumpa sa tungkulin si Mayor Jonjon Villanueva matapos na muling mahalal bilang Pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Bulacan Chapter para sa kanyang ikalawang termino.

Pinangasiwaan ang seremonya ng panunumpa ni Governor Daniel Fernando nitong Oktubre 17, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos.

Kasama ni Mayor JJV sa oath taking ang mga bagong halal na opisyal ng LMP-Bulacan, na kinabibilangan ng mga alkalde mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Ang seremonya ay naging simbolo ng pagkakaisa at kolektibong hangarin ng mga lokal na lider na itagu­yod ang mas progresibong pamahalaan sa Bulacan.

Sa kanyang panibagong termino, inaasahang ipagpapatuloy ni Mayor Jonjon Villanueva ang pagsusulong ng mga programang nakatuon sa inclusive governance, disaster preparedness, at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga bayan sa Bulacan.

JONJON VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with