^

Probinsiya

Plane crash sa Tarlac: 2 patay!

Artemio Dumlao, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Plane crash sa Tarlac: 2 patay!
Kapwa durog at lasog ang bagitong piloto at kasamang babae matapos na mag-crash ang sinasakyan nilang ultralight plane sa palayan ng Brgy. Panalicsican, Concepcion, Tarlac, ka hapon ng umaga.
(Courtesy: FB/Bernie Basa

MANILA, Philippines —  Dalawa katao na kinabibilangan ng isang bagitong piloto at isang babae ang kumpirmadong patay matapos na bu­magsak ang sinasakyang ultralight plane sa isang malawak na palayan sa Barangay Panalicsican, Concepcion, Tarlac nitong Sabado ng umaga.

Tinukoy ng mga awtoridad ang mga biktima na isang 19-anyos na lalaking piloto, residente ng Brgy. Duquit, Mabalacat City, Pampanga, at isang 18-anyos na babae na taga-Macabebe, Pampanga.

Sa inisyal na ulat ng Tarlac Police, maagang umalis ang nasabing maliit na eroplano sa Magalang, Pampanga ng nasabing araw at nangyari ang plane crash bandang alas-11 ng umaga kakahpon.

Nabatid na nakita ng mga residente at mga obrero na naggagawa ng daan ang maliit na eroplano na kulay yellow at may tatak na RP S2772 habang mabilis na umiikot pababa na tila nawalan ng kontrol ang piloto hanggang sa mag-crash ito sa gitna ng palayan.

Mabilis na nag­responde sa crash site ang emergency ­responders ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Dalawang indibiduwal ang kanilang natagpuan nakaipit pa sa wasak na wask na eroplano. Nang mahugot ang kanilang katawan, agad na dinala ang dalawang biktima sa Concepcion District Hospital pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa koordinasyon ng local government officials, sa insidente upang mabatid ang sanhi ng pagbagsak ng light plane kung ito ay dahil sa mechanical issues, pilot error, o weather-related factors.

TARLAC POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with