^

Probinsiya

Obrero todas sa hataw ng tubo

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Obrero todas sa hataw ng tubo
Satellite image ng Trece Martires,Cavite
Google Maps

CAVITE, Philippines — Patay ang isang construction worker matapos paghahatawin ng tubo sa ulo ng kapwa nito obrero sa loob ng kanilang barracks, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Halang bayan ng Amadeo, dito sa lalawigan.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilala sa alyas na Sid, 46-anyos,  residente ng Barangay Aguado, Trece Martires City.

Agad namang naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na Ron, 30-anyos.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:30 ng gabi, nag- iinuman umano ang biktima at suspek sa labas ng kanilang barracks kasama ang iba pang mga katrabaho nang magpasya nang matulog ang biktima.

Tumayo ito at umalis na sa inuman at pumasok na sa kanilang barracks subalit sinundan ito ng suspek.

Nagkaroon ng mainitang komprontasyon sa pagitan nila hanggang sa pagtalikod ng biktima ay dumampot ng tubo ang suspek at sunud-sunod na pinaghahataw sa ulo hanggang sa humandusay.

RON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with