3 online seller ng e-wallet, nadakip
MANILA, Philippines — Tatlong online seller ng e-wallet accounts ang naaresto sa magkakahiwalay na entrapment operation ng Quezon Provincial Cyber Response Team sa Lucena City.
Kinilala ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang mga suspek sa alyas na “Roman”, 37; “RJ”, 26; at “Rudy”, 25, na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act at Cybercrime Prevention Act.
Modus umano ng mga suspek ang pagbebenta ng e-wallet accounts online na nagagamit ng mga kriminal bilang money mule o padaluyan ng pera mula sa iba’t ibang scam, para mailigaw ang imbestigasyon.
Karaniwang nagiging customer ng mga ito ay ang mga online scammer,money mule operators, illegal online gambling o betting operators, at mga kriminal na gustong maitago ang identity.
- Latest





















