809 pamilya sa Cavite, sinalanta ng bagyo
CAVITE, Philippines — Umabot sa 809 pamilya na apektado sa matinding pagbaha at malakas na hangin dulot ng bagyong Opong ang inilikas patungong mga evacuation centers, dito sa lalawigan kahapon.
Sa nakalap na ulat mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Magenment Office (PDRRMO), sa 809 na pamilyang inilikas ay posible pang tumaas ang bilang kung patuloy ang pananalasa ni Opong sa lalawigan.
Pinakamaraming bilang ng inilikas ay sa bayan ng Ternate na umabot sa 200 na pamilya makaraang pasukin ng tubig baha ang kanilang mga bahay na sinundan ng lungsod ng Bacoor na nasa 156 pamilya ang naapektuhan ni Opong.
Sinundan ng bayan ng Silang na may 88 pamilya ang naapektuhan habang 83 pamilya naman ang sa bayan ng Naic.
Apektado rin ang may 71 pamilya sa bayan ng Tanza na sinundan na ng mga bayan ng Amadeo, Maragondon, Alfonso at Imus, Trece Martires, Tagaytay, Dasmariñas at Cavite City.
- Latest


















