^

Probinsiya

3 patay, 4 pa missing sa Bukidnon flash flood

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang 13-anyos na binatilyo ang nasawi habang apat pa ang nawawala matapos ang pagragasa ng tubig-baha sa Valencia City, Bukidnon nitong Miyerkules ng gabi na epekto ng bagyong Mirasol.

Sa report ng City Disaster Risk Reduction and Management ng Valencia City, natagpuan,alas-6:39 ng umaga nitong Huwebes ang tatlong bangkay na nalunod nang anurin ng pag-agos ng baha dulot ng malalakas na pag-ulan.

Patuloy namang pinaghahanap ang tatlong katao na nawawala sa lungsod matapos namang tangayin ng malakas na agos ng tubig baha.

Naitala naman sa limang Barangay na kinabibilangan ng Poblacion, Barobo, Bagontaas, Sugod at Lumbo ang apektado ng matinding pagbaha.Nasa lagpas tao naman ang baha sa Brgy. Poblacion.

FLASHFLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with