PCG applicant timbog sa droga
MANILA, Philippines — Bigo ng makapasok sa Philippine Coast Guard recruitment ang isang aplikante matapos na mahulihan ng shabu habang naghahanda para sa neurological examination sa mismong headquarter ng Coast Guard District Southern Tagalog sa Batangas City.
Nadakip ang aplikante noong Martes matapos makita ng mga tauhan ng PCG ang nakabalot na aluminum foil at glass pipe sa kanyang bag, sa kasagsagan ng routine inspection bilang bahagi ng security protocol.
Kinumpirma ng Coast Guard K9 Field Operating Unit–Southern Tagalog at Batangas Provincial Forensic Unit na ang mga nakumpiskang item ay shabu, habang nagpositibo rin sa drug test ang aplikante.
Dahil dito, kinasuhan ng Investigation Detection Unit-Southern Tagalog (IDU-STL) ang aplikante ng paglabag sa Republic Act No. 9165 sa piskalya ng Batangas City.
- Latest


















