Batang paslit nahulog sa kanal

MANILA, Philippines — Isang batang babae ang pinaghahanap sa kasalukuyan matapos mahulog sa isang kanal sa Taytay, Rizal, nitong Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si alyas “May Michelle”, 9-anyos, residente ng Barangay Dolores sa Taytay.
Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station,dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Pag-Asa Bridge sa Brgy. San Juan.
Nauna rito, naglalakad umano ang biktima sa Pag-asa St., malapit sa Pagasa Bridge nang aksidente itong mahulog sa kanal.
Pinaniniwalaang tinangay ng malakas na agos ang bata dahil mataas ang tubig sa kanal sanhi ng malakas na buhos ng ulan.
Kaagad namang naglunsad ang mga tauhan ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng search and rescue operation ngunit habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa natatagpuan ang biktima.
- Latest
















