^

Probinsiya

911 hotline pinalakas sa Central Luzon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
911 hotline pinalakas sa Central Luzon
Ito ay dulot nang mahigit 400 na bagong radyo na magagamit ng mga pulis sa lugar sa pagresponde sa mga emergency tulad ng mga reklamo, krimen at iba pa.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Higit pang pinalalakas ng Central Luzon Police ang pagresponde sa mga emergency calls sa 911 hotline.

Ito ay dulot nang mahigit 400 na bagong radyo na magagamit ng mga pulis sa lugar sa pagresponde sa mga emergency tulad ng mga reklamo, krimen at iba pa.

Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director PBrig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nakabili sila ng 455 handheld radios na ipamamahagi sa iba’t ibang police stations sa Central Luzon para higit pang mapaigting ang emergency response sa rehiyon.

Una nang dumating ang 300 radios noong unang bahagi ng Hulyo, habang kadarating lang nitong linggo ang karagdagang 155 units.

Inaasahan naman na madaragdagan pa ang mga handheld radio ng PRO 3 sa tulong na rin mga lokal na pamahalaan na nagpahayag ng suporta sa programa ng PNP.

CENTRAL LUZON POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with