^

Probinsiya

Grade 8 student pumalag sa rape, tinodas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Grade 8 student pumalag sa rape, tinodas
Naisugod pa ng mga kaanak sa Bicol Medical Center ang duguan at walang malay na biktimang si Annie, 13-anyos, grade 8 student, subalit ideneklara itong patay.
File

MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na dalagita ang napatay sa suntok nang manlaban sa tangkang panghahalay sa kanya ng isang lalaki na pumasok sa kuwarto ng kanilang bahay sa Brgy. San Antonio, Milaor, Camarines Sur, kahapon ng madaling araw.

Naisugod pa ng mga kaanak sa Bicol Medical Center ang duguan at walang malay na biktimang si Annie, 13-anyos, grade 8 student, subalit ideneklara itong patay.

Tumakas ang suspek na kinilalang si Rudy, binata, residente ng naturang barangay na kalaunan ay naaresto rin.

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling araw ay nagi­sing ang 75-anyos na si Lola Caridad nang marinig ang kalabugan at paghingi ng saklolo ng apo.

Agad itong buma­ngon para puntahan ang apo na kanyang  tinawag, subalit hindi na ito sumasagot.

Pagbukas ng pinto ng kuwarto ay nakita na walang malay na nakahandusay sa sahig na duguan sa mukha at walang suot na pang-ibaba.

Mabilis namang dumating ang kaanak na si Kaye at nakita patakas ang suspek na dumaan sa likurang bahagi ng bahay.

Naisugod ang biktima sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.

Sa patuloy na pag­hahanap sa suspek, alas-2:00 ng hapon nang makita ng mga tanod na nakahiga ito sa duyan sa loob ng kanilang bahay kaya inimbitahan nila ito sa barangay hall para sa pagtatanong.

Doon positibong kinilala ni Kaye ang suspek kaya agad dinala ng mga tanod ang suspek sa police station at ikinulong.

Isinailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima para malaman ang sanhi ng pagkamatay at malaman kung nagahasa ito.

RAPE

SUNTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with