Delivery rider salpok sa poste, dedo
CAVITE , Philippines — Patay ang isang delivery app rider makaraang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang poste habang bumabagtas sa kahabaan ng CM Delos Reyes Ave. sa Barangay Javalera, General Trias City, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Leonardo Balbon Pangilinan, 39-anyos, may asawa at residente ng Barangay Alingaro, Gen. Trias City, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2:50 ng madaling araw, habang sakay ang biktima ng kaniyang Honda motorcycle na may plate number 431NOI at bumabagtas sa pakurbang kalsada na may kabilisan ang takbo nang hindi na siya nakapag-menor kung kaya tuluy-tuloy itong sumalpok sa electrical post sa gilid ng highway.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang rider kasama ng kaniyang motorsiklo at napuruhan ang una sa ulo. Nakasuot naman umano ng helmet ang biktima subalit sa lakas ng pagkakasalpok nito ay hindi rin nakayanan ng suot na protection gear.
- Latest

















