^

Probinsiya

Tatay pinatay ng senglot na anak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN ANDRES, Quezon, Philippines —  Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng isang 60-anyos na lalaki makaraang pagtatagain hanggang sa mapatay ng sariling anak sa Sitio Libutin Gamay, Barangay Tala sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “Roger” habang tumakas naman ang anak na si alyas “Allan”, 37, binata at kapwa mga residente sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng  San Andres PNP, galing sa pakikipag-inuman sa Sitio Crossing ang mag-ama at magkaakbay pang naglalakad subalit nang makarating na sa kanilang bahay dakong alas-6:40 ng gabi ay bigla na lamang silang nagtalo sa hindi malamang kadahilanan.

Sa gitna ng komusyon­ ay kumuha ng gulok ang suspek at walang awang pinagtataga ang ama sa ibat-ibang parte ng katawan hanggang duguang bumulagta.

Isang kapitbahay ng mag-ama ang nakasaksi sa krimen at mabilis nitong tinawag ang iba pang mga anak ng biktima upang dalhin ito sa ospital, subalit idinekla­rang patay dahil sa rami ng tinanong sugat at pagkaubos ng dugo.

Tugis na ngayon ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

ROGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with