Cavite Governor, bise nanumpa kina Remulla, Revilla

CAVITE, Philippines — Pinangunahan nina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Sen. Bong Revilla ang Oathtaking ng mga Cavite elected officials kabilang ang gobernador at bise gobernador ng lalawigan.
Alas-3 ng hapon kahapon ng pormal nang nanumpa ang mga nanalong opisyales ng lalawigan sa pangunguna ng nanalong Gobernador na si Abeng Remulla at 7th District Congressman Crispin Diego Ping Remulla kung saan sa kanilang ama na si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ito mga nanumpa.
Sa ama niyang si Senator Bong Revilla naman nanumpa ang nanalong bise gobernador ng lalawigan na si Ram Revilla.
Kasabay nito, pormal na ring nanumpa ang mga nanalong Board member ng lalawigan gayundin ang mga nanalong mayor at mga konsehal ng bayan ng Tanza kay DILG Secretary Jonvic Remulla.
Isinagawa ang oathtaking sa historical church ng San Agustin sa Tanza, Cavite.
- Latest

















