^

Probinsiya

Motor sumalpok sa van: Rider dedo, angkas sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAYABAS CITY, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang motorcycle rider habang malubhang nasugatan ang kanyang angkas makaraan silang bumangga sa kasalubong na L300 closed van na ikinasugat din ng pahinante nito kamakalawa ng madaling araw sa Maharlika highway na sakop ng Barangay Isabang sa Lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si ­“Allan”, 32, binata ng Parañaque City. Ginagamot naman sa Quezon Medical Center ang kanyang angkas na si “Jigs’, 31, binata at ang pahinante na si “Brie”, 31, ng Biñan City, Laguna.

Ayon ulat ng Tayabas City Polce, alas-2:21 ng madaling araw, patungo sa direksyon ng Lucena City ang Honda click ng rider na si Allan at angkas na si Jigs nang okupahin nila ang bahagi ng kalyeng kinaroroonan ng L300 closed van na minamaneho ni “Eric” ng Camarines Sur sanhi ng salpukan.

Nabatid na tumilapon ang dalawang sakay ng motorsiklo na bagama’t kapwa nakasuot ng helmet ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng kanilang katawan. Sugatan din ang pahinante ng L300 van habang wala namang tinamo ang driver nito.

L300

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with