^

Probinsiya

Congressional bet sa Benguet, pinadidiskuwalipika

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan ng disqualification (DQ) case ang congressional candidate at kasalukuyang Benguet vice-governor na si Ericson “Tagel” Felipe dahil sa paggamit umano ng government issued vehicles sa kaniyang pangangampanya.

Isang pribadong indibiduwal ang naghain ng petition for disqualification laban kay Felipe dahil sa paglabag umano nito sa Section 68 ng Omnibus Election Code (OEC).

Sa kaniyang complaint affidavit, isang kulay puting sasakyan na may nakasulat na “FOR OFFICIAL USE ONLY” ang madalas makitang nakaparada sa harap ng property sa Baguio City.

Nakasaad sa petis­yon na tinakpan ang “FOR OFFICIAL USE ONLY” marking sa sasakyan at nilagyan ng magnetic signage na may nakasulat naman na “Good Governance Benguet”.

Ginamitan umano ito ng signature color ni Felipe na tumatakbong congressman sa lone district ng Benguet. Bukod rito, binabago-bago rin umano ang plate number ng nasabing sasakyan.

Batay sa dokumento ng sasakyan na nakuha ng petitioner, pag-aari ito ng Provincial Go­vernment ng Benguet at sinertipikahan ito ng Provincial General Services Office (PGSO), ang tanggapan na nag-isyu Property Acknowledgment Receipt kay Felipe.

Hiniling ng petitioner sa Comelec na makansela ang certificate of candidacy ni Felipe at maideklarang null and void ang kaniyang kandidatura at ang mga botong kaniyang makukuha sa darating na eleksyon ay dapat ituring na stray votes.

OEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with